Bangon Pilipinas

Super typhoons, war at Zamboanga, earthquake in Cebu and Bohol, and the pork barrel scam- 2013 has been a tough year for the Filipinos.


Zamboanga Crisis.


A standoff broke out in Zamboanga City last September. Nur Misuari, leader of the MNLF has been angered by a planned peace deal with the MNLF kaya nagdeklara ang Bangsamoro Republic ng kanilang pansariling kalayaan. Hindi naman ito gaanong binigyang pansin ng gobyerno hanggang sa dinaan na nila sa military force. Takot na takot ang mga residente dahil hindi na sila ligtas doon. Hindi matatapos ang gabi na wala silang maririnig na putukan. Pinasara pa ang Zamboanga International Airport. Pati mga bata ginawang hostages. The AFP and PNP then immediately took action to free the hostages and expel MNLF from the city. Nakakaawa ang mga residente sa Zamboanga dahil wala silang nagawa nang panahon na iyon kundi manatiling buhay. Samantala ang mga nasa taas ay inaabuso ang kanilang kapangyarihan at impluwensya para makuha ang pansariling kagustuhan. Buti na lamang at natapos na ang gulong ito. Ayon sa ilan, pakana lamang ito nina PNoy para maalis sa isipan ng mga mamayan ang issue ukol sa pork barrel.







Earthquake in Cebu and Bohol.


Nitong October lang, nagkalindol nang 7.2 magnitude sa Central Visayas. It was the deadliest earthquake in the Philippines in 23 years. Daan-daang tao ang namatay at mahigit kumulang libo ang nasugatan. Dahil sa tindi ng lindol, nagiba ang mga simbahan sa Cebu at Bohol. Nawalan ng power and water supply. Many were left without adequate safe drinking water and sanitary facilities after the quake. Nagdulot ito ng sakit na diarrhea at water-borne diseases. Kabilang sa massive destruction ang ilang mga ospital at health center, kaya pahirapan sa paghanap ng gamot at mabilis na pagpapagaling. Nakakatakot at nakaka-trauma ang insidenteng ito. Bilang kapwa, marami ang nagkusang tumulong. Bilyon-bilyong piso ang nalikom ng gobyerno, bukod pa sa international aid, charity and fundraise. Masaklap kung iisipin na giba na ang historical churches na ipinagmamalaki ng Cebu at Bohol, hindi ka pa nakakapunta rito. Hindi mo pa natatanaw ang chocolate hills, may pinsala na. Nabawasan ang tourist spots na ipinagmamalaki ng Pilipinas. Hanggang ngayon, may mga aftershock pa rin sa Cebu at Bohol kaya hindi mapanatag ang mga Pilipino. We hope for their recovery through prayers we lift their spirits up.






Super Typhoons.


Bahaing kalsada, nagkalat na mga basura sa lansangan, suspension of classes, traffic- lahat nang 'yan ay nararanasan ng mga Pilipino tuwing tag-ulan. Sa taong ito, sunod-sunod na bagyo ang tumama sa Pilipinas. Nitong Biyernes lang, nag-landfall sa Pilipinas ang super typhoon Yolanda. It is the strongest typhoon ever to hit land in the history of the world. Matinding devastation ang idinulot nito sa Eastern Visayas. Maraming nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Nakalinya lang sa kalsada ang mga bangkay pagkat walang morgue, hospitals at sapat na medical supplies. Wala pa rin kuryente sa ilang lugar. Nauubos na rin ang supply ng gas. Hanggang ngayon, ang bawat araw para sa kanila ay struggle para maka-survive. Ang iba ay nagnanakaw ng pagkain dahil sa sobrang gutom. Some survivors dug up water pipes in their desperate need for water. Houses were now being looted because warehouses were empty. Lahat ginagawa nila para manatiling buhay. May ilang lugar pa rin na hindi nararating ng tulong. Marami pang mga katawan ang hindi natatagpuan. Sana mas mapabilis ang pagdaing sa mga ito. More than 3 billion na ang nai-donate ng international community sa atin, bukod pa ang galing sa mga Pilipino. Marami ang tumutulong pero ang tagal bago makarating sa mga nangangailangan ang donations, relief goods, medical teams, rescue teams, etc. sa ibang lugar. Dumadaan daw muna sa local government officials for repacking of items na may kasamang tatak kung kanino o saan nanggaling ang donation. Sana mas organisado ang paghahatid ng relief goods. Kung kayang mas mapabilisan, dapat kumilos ang lahat. Hindi yung nasa isang lugar lang nakatengga lahat ng volunteers, AFP at PNP. May mga lugar pa rin na hindi naaabutan ng tulong at sana hindi sila nagrarason na mahirap matagpuan at mapuntahan ang lugar. Kung determinado ka talagang tumulong, gagawa at gagawa ka nang paraan. Hindi puro dahilan.

Naiiyak ako tuwing napapanood ko sa news ang kalagayan ng mga nasa Tacloban. Napakaswerte natin dahil hindi natin nararanasan ang mga nararanasan nila ngayon, but we should be grateful for all the help that we are receiving from other countries. Medical teams and rescue teams from different countries are arriving in the Philippines to set up field hospitals. Air crafts, cargo planes for delivering aid are also provided. Asahan natin marami pang tulong ang dadating sa mga susunod na araw. Ngunit hindi sapat na maiyak at maawa na lang tayo. Kailangan pa natin i-extend ang tulong, and the primary step is to pray. Faith is what our fellow countrymen need most right now. Kailangan natin manalig sa Panginoon at piliting magpakatatag. Wag na natin hintayin pang magkaroon ng panibagong sakuna para magkaisa tayong mga Pilipino. Sino-sino pa ba ang kikilos kundi tayo-tayo rin mga Pinoy. Leaving the negativity aside, ang panalangin lang naman natin ay maging ligtas na ang mga devastated Filipinos at mas mapabilis na umabot sa kanila ang mga donation na nararapat nilang matanggap.










Pork Barrel Scam.



No comments:

Post a Comment