Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo

 

1. Hindi ka niya type


Tanggapin mo na, hindi ka talaga niya bet. Ganun talaga, kanya-kanyang taste. Kung ayaw niya sa'yo, lubayan mo. Pero alam ko naman na hindi ka agad- agad sumusuko kaya sige, push mo pa yan. Malay natin diba. Pero kung lalaki ka at sinabihan ka na niya na tigilan mo na siya o kung anuman, tigilan mo na lang =)) Pero kung babae ka... ewan ko. Wala akong maaadvice kasi alam kong magiging emotional ka lang pag nalaman mong di ka niya type.

2. May crush na siyang iba


Awts. Isa ito sa pinakamasasaklap na dahilan kung bakit hindi ka crush ng crush mo. Mas masaklap siguro kung sa'yo pa siya mismo umamin kung sino ang crush niya. Basta kahit sino pa yan, kahit crush lang, mahuhurt ka pa din. Siguro ito na yung stage na magdedecide ka na hindi lang siya ang crush mo, o marerealize mo na nahulog ka na pala sa kanya.

3. Maaaring naturn off siya sa ginawa mo


Maaari lang naman... Sa mga girls, isa ito sa mga dahilan kung bakit bigla na lang ayaw na nila sa crush nila. Halimbawa, nakita niyang naninigarilyo si crush. Naturn off siya kaya ayaw na niya rito. Pwede rin na nasa stage na kayo ni crush na getting to know each other pero may nalaman siya sa iyo na hindi niya kinatutuwa. Maaari lang naman...

4. Friend zoned ka


"We're just friends." "Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." "Parang kapatid na kasi kita." Nakakadurog ng puso marinig yan, dre. Alam mo yung ganoong feeling... yung may limit ka sa pagpapahayag ng nararamdaman mo. Kahit alam mong hanggang dun ka na nga lang. Wala eh. Masaklap pa rito may mga times na sa'yo pa siya magpapatulong na dumamoves sa kaibigan mong type niya. Minsan maiisip mo, "Bakit hindi na lang ako? Ako na lang kasi." Hahaha drama

5. May gusto sa'yo ang kaibigan niya


Maaaring isa ito sa mga dahilan. Umiiwas siya sa'yo dahil alam niyang may gusto sa'yo ang kaibigan niya. Nagpaparaya na siya kasi kaibigan niya yun eh. Gusto niya maging masaya kayong dalawa. Awts. Pero may ilan dito na deep inside, hinihintay niya lang mabusted yung kaibigan niya para turn naman niya. Charot

6. May jowa na siya


Nagtataka ka pa kung bakit hindi ka niya crush eh alam mo naman na may kasintahan na siya. How sad. Oy wag kang manunulot ah, bad yun. Hintayin mo na lang silang maghiwalay. Chos. Eh wala eh, taken na. Lubayan na lang diba. Hanap ka na lang ng ibang crush. Pero may ilan naman na okay lang sa kanilang taken na si crush, "crush lang naman eh", ani nila. Sila yung mga kuntento nang magpantasya na lang kay crush.

7. Hindi ka niya kilala


Ito yung laging nangyayari sa akin kaya sure ako maraming makakarelate! Magpapapansin ka kay crush sa Twitter, sa Facebook, sa WeChat. Yung tipong kahit "Hi" lang niya, masayang masaya ka na dun. Nagtatago ka pa ng mga pictures niya sa phone mo, gagawin mo pang wallpaper. May sarili pa siyang album sa phone mo. Lagi mo siyang inistalk para malaman kung anong ginagawa niya, kung nasaan siya. Minsan magde-daydream ka pa na "together" kayo, na bagay kayo kung alam lang niyang nag-eexist ka. In my experience, ito yung pinakanakakakilig na part pag nagka-crush ka =)) Kasi may thrill. Ewan ko, di niyo magegets pero pag may experience kayo, alam niyo kung anong sinasabi ko.

8. Torpe ka


Malay mo crush ka rin pala ng crush mo. Hindi lang siya nagpapakita ng motibo, hindi niya lang pinapahalata kasi torpe siya. Takot siyang lalayuan mo siya kapag nalaman mo, takot siya sa magiging reaksyon mo. Siguro kung may gusto kayo sa isa't isa at pareho kayong hindi umaamin, cute yun. Pero kung torpe ka at wala naman gusto sa'yo yung crush mo, hindi cute yun. Kapag torpe ka, hindi mo maipakita sa kanya ang mga bagay na gusto mo talagang gawin o ipakita sa kanya. Pero try mo lang na umamin sa kanya kasi kadalasan kapag alam mong may gusto sa'yo yung isang tao, subconsciously, nabibigyan ka niya ng attention at di katagalan ay unti-unti ka na rin niyang nagugustuhan.

9. Hindi ka feel ng friends niya


Siguro nga hindi ka feel ng friends niya. Malakas kasi mag-impluwensya ang ating mga kaibigan. Halimbawa, kapag gusto nila ang isang movie, magugustuhan mo na rin yun. Kapag gusto nila ang isang pagkain, magugustuhan mo na rin yun. Kapag naiinis sila sa isa niyong kaklase, kaiinisan mo na rin yun. Siguro yung crush mo ay isa sa mga napapag-usapan niyo ng mga kaibigan mo. At tuwing naririnig mo ang mga opinyon nila, alam mo na agad na di nila bet yun para sa'yo. Ang resulta, pababayaan mo na lang.

10. Wala kayong time to get to know each other


Hindi kayo palaging nag-uusap at nagkikita kaya unti-unting nawawala ang pagkagusto mo sa kanya o pagkagusto niya sa'yo. Time for each other, importante yan. Kung may oras kayo sa isa't isa, dun niyo malalaman kung ano ba talagang meron kayo, dun kayo makakapag-usap nang maayos, dun lang kayo magkakaintindihan. Kung mutual ang feelings niyo, you should work things out, dapat naglalaan kayo ng sapat na oras para sa isa't isa. :)