Single type A: Nag-uumapaw sa crush
Eto yung tipo ng taong play safe pero chillax lang. Hindi in love, hindi brokenhearted. Nagpapasarap lang sa buhay, ine-enjoy ang pagiging single niya. Madaming crush 'to, siguro pinakaonti ay dalawa o tatlo. Pag nakikita niya si crush, ay jusko, namumula na yung braso ng kaibigan niya kakapalo dahil sa sobrang kilig. Yung iba naman pilit padin itinatago ang kilig kasi baka mahalata niya, lagot ka na diba. Hindi ba ang sarap sa feeling ng ganun? Mapapangiti ka na lang bigla kasi nakita mo siya tapos kinawayan at nginitian ka pa niya. Meron pa nga e, sa barkada mo, mga tatlo o higit pa kayong may gusto doon. Aba kung makapag-agawan akala mo naman.. :) Pero ang maganda kasi dito, kung taken na yung isa mong crush, may reserba ka. Patuloy lang ang buhay kasi nga YOLO, You Only Landi Once... every hour.
This is how you look like dreaming about your crush/es :)) |
Single type B: Umaasa pa
O ano, tinamaan ka no? Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, naranasan ko na 'to e. Madaming kabataan dyan na umaasa pang babalik siya. Grabe sa feeling, no? Pero ano bang mapapala mo dyan, wala naman, nganga lang. Wala naman ako sa posisyon para utusan kang wag ka nang umasa sa kanya pero pwede kong sabihin sayo kung anong mamimiss mo sa buhay pag hindi ka pa nag move on dyan. Actually marami e, unang-una na dito yung pagiging masaya. Wag mong iikot yung mundo mo sa iisang tao lang, nandyan ang pamilya mo at mga kaibigan mo. They will never fail to make you smile only if you never fail to do so. At saka, life is too short para bigyan ng pansin ang mga ganyang drama. Bakit mo pa pipiliin umasa kung pwede ka naman maging masaya? Hayaan mo, time heals. Mag-aral ka muna ng mabuti.
"I love you and I'm always going to love you but I don't want to love you, I want to be happy." |
Single type C: No Syota Since Birth
Isa ka ba sa mga taong ito? Kung oo, edi ikaw na! Kapag ba no syota since birth ibigsabihin nun hindi pa nakakaranas ng pag-ibig? Siguro yung iba kaya ganito kasi dahil na rin sa mga ipinasok sa kokote sa inyo ng mga angkan niyo. Yung mga katagang "Study first", "Bata ka pa", "Makakasira lang yan sa pag-aaral mo", "May tinakda para sayo, maghintay ka lang". Eto ang matindi.. "Strict ang parents ko." Okay lang yan. At saka yung iba naman, single by choice eh. Ayaw lang talaga nila ma-involve sa mga relationships. Siguro dahil sa mga nakikita nilang nangyayari sa ibang tao. Yung mga magsyotang lagi nag-aaway, yung on&off sa relationship nila, yung mga quota na sa cool-off, yung mga ldr na hirap na hirap sa sitwasyon nila, yung mga duma-the mistress, yung mga bitter, yung mga di pa moved on. Siguro nga para sa kanila, mas masaya kung ganito lang muna. Ang ilan naman dito, yung mga hopeless romantic. Yung mga naghihintay lang sa tamang tao para sa kanila. Yung mga wala nang ibang magagawa kundi maging "idealistic" at "romantic" para kapag nakilala na nila yung mamahalin nila, siguradong maaalagaan nila ito. Siguro isa ka dito no?
Single type D: Friend zone
Eto yung mga taong masaya na naging kaibigan niya yung mahal niya pero malungkot kasi hanggang magkaibigan lang sila. Yung iba dito torpe, yung iba talagang nabusted lang kaya mas pinili na lang maging mabuting kaibigan ng minamahal nila. Maraming mga tao dyan reklamo nang reklamo sa love life nila, hindi ba nila naisip na yung tunay na magpapasaya sa kanila ay yung finrend zone nila? O siguro, hindi pa talaga sila ready na pumasok sa isang relasyon kaya ganito na lang muna. Sa ibang tao, ito ang ginagawa nilang basehan para malaman kung gaano katapat ang nagmamahal sa kanya. Yung iba masaya na naging magkaibigan sila kasi ibigsabihin nito, pinagkakatiwalaan ka niya. Ikaw ang magiging sandalan niya pag may problema siya. Pero hindi ba't mahirap ang mapasok sa ganitong sitwasyon? Yung tipong pag nakikita mo siya, ang hirap pigilan ng nararamdaman. Maiisip mo na lang, paano kaya kung akin siya? Paano kaya kung ako ang dahilan ng mga ngiti niya? May pag-asa pa bang mangyari yun? Ang hirap diba, pero kung gusto mo talaga siya, maghintay ka o kaya sumuko ka na lang. Bilang isang kaibigan, hangarin mo na lang pasayahin siya kahit hindi ikaw ang dahilan nito.